^

Metro

4-anyos nagulungan ng van, dedo

-
Nasawi ang isang 4 na taong gulang na batang babae makaraang magulungan at makaladkad ng tatlong metro ng isang van ng militar habang ito’y naglalaro sa Quezon City.

Dahil sa sobrang pinsala sa katawan at mukha ni Choie Mariel Layag ng Ilang-ilang St. Brgy. Payatas A ng nasabing lungsod, hindi na nagawang mailigtas ito ng mga doktor sa Fairview General Hospital.

Kusang loob namang sumuko sa Traffic Sector 5 ng Central Police Dis-trict Office (CPDO) ang suspek na si Revilindo Nebran 39, miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nakatira sa San Lorenzo Ruiz St. Quezon City.

Sa imbestigasyon ni PO3 Venus Ormita, naganap ang insidente dakong alas-4:30 ng hapon sa tapat ng bahay ng suspek sa nasabing lugar.

Ayon kay Ormita, naglalaro ng pasahan ng bola si Layag at ang kanyang mga kalaro nang gumulong ang bola sa ilalim ng Starex van na may plakang WKS 601 na pag-aari ni Nebran na nakaparada lamang sa tapat ng bahay nito.

Gumapang ang biktima sa ilalim ng nasabing van para kunin ang nasabing bola na eksakto namang pagsakay ni Nebran sa kanyang sasakyan at pinaandar ito.

Naipit ang ulo ni Layag sa engine support ng nasabing van, at nang umandar pa ang sasakyan ng may tatlong metro ang layo mula sa pinagparadahan nito nakaladkad ang bata.

Nalaman lamang ni Nebran na nakasagasa ito nang magsigawan ang mga nakasaksi at isinenyas sa kanya na may bata sa ilalim ng kanyang sasakyan na nagulungan nito. (Ulat ni Jhay Mejias)

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

CENTRAL POLICE DIS

CHOIE MARIEL LAYAG

FAIRVIEW GENERAL HOSPITAL

JHAY MEJIAS

LAYAG

NEBRAN

PAYATAS A

QUEZON CITY

REVILINDO NEBRAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with