^

Metro

Negosyo motibo sa pagpatay sa Koreano

-
Away sa negosyo.

Ito ang mobitong tinitingnan ng mga imbestigador ng Western Police District (WPD)kaugnay sa ginawang pananambang sa isang negosyanteng Koreano ng di-kilalang hired killers sa harap ng kanyang asawa at anak sa tapat ng isang restaurant sa Ermita, Maynila noong Biyernes.

Gayunman ang anggulong love triangle ay pinag-aaralan din ng pulisya sa pagkamatay ng biktimang si Jang Sung Lee, 39, pansamantalang naninirahan sa Pan Pacific Hotel sa Adriatico St., Malate sa Maynila.

Ipinalabas na rin ng WPD ang cartographic sketch ng suspect na pinaniniwalaang isang hired killer.

Ang suspect ay tinatayang 35-40 ang edad, may taas na 5’8-5’10, mataba at kayumanggi.

Ayon kay Chief Insp. Juanito Taluban, hepe ng WPD Homicide section, kasalukuyan pa nilang pinag-aaralan ang motibo sa pamamaslang kay Lee subalit mas nakatuon ang kanyang mga tauhan sa anggulong alitan sa negosyo ang sanhi ng pagpatay sa huli.

Nabatid na si Lee ay nagmamay-ari ng isang recruitment agency ng mga Overseas Filipino Workers na may tanggapan sa Maynila.

Magugunita na noong Biyernes dakong alas-10:45 ng gabi nang tambangan ang biktima sa Diamond Tea House and Restaurant sa may M.H. Del Pilar St., Ermita matapos na kumain, kasama ang kanyang maybahay na si Pearl at 4-anyos na anak na lalaki.

Kahapon ay nagtungo rin si PNP-NCRPO Director Gen. Edgar Aglipay sa WPD at nagsagawa ng kumperensiya sa mga opisyal doon upang personal na pangasiwaan ang agarang paglutas sa Lee- ambush-slay. (Ulat ni Ellen Fernando)

ADRIATICO ST.

BIYERNES

CHIEF INSP

DEL PILAR ST.

DIAMOND TEA HOUSE AND RESTAURANT

DIRECTOR GEN

EDGAR AGLIPAY

ELLEN FERNANDO

ERMITA

MAYNILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with