^

Metro

Mag-inang Intsik nailigtas sa kidnaper

-
Isang mag-inang Chinese national ang nailigtas noong Biyernes sa Maynila matapos na mabawi ang mga ito mula sa isang Chinese national ‘‘quack doctor’’ na kumidnap sa kanila, na ngayon ay nakakulong sa Camp Bagong Diwa, Bicutan Taguig.

Kinilala ang mag-inang biktima na sina Li Jia Yan, may sapat na gulang at Bryan Angelo Ze, 4-anyos, taga Binondo, Maynila.

Samantala, kinilala naman ang suspek na si Xu Shao Fung, 46, nakakulong sa Bureau of Immigration and Deportation (BID), sa Camp Bagong Diwa, dahil sa kasong kidnapping at illegal alien.

Nabatid na ang pagsalakay ay isinagawa noong Biyernes, Hunyo 21 sa 10th Floor ng isang condominium na matatagpuan sa T. Mapua St., Sta. Cruz, Maynila ng grupo ng National Bureau of Investigation (NBI) sa pakikipagtulungan ni dating Southern Police District Director, Chief Supt. Romeo Maganto.

Matatandaan na noong Hulyo 20, 2001, kinidnap ng nasabing suspek ang mag-inang biktima, at may isang taong itinago ang mga ito.

Dahil napag-alaman na ang suspek ay may gusto sa ina ng bata, kaya’t pati ang walang malay na paslit ay idinamay nito. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BICUTAN TAGUIG

BIYERNES

BRYAN ANGELO ZE

BUREAU OF IMMIGRATION AND DEPORTATION

CAMP BAGONG DIWA

CHIEF SUPT

LI JIA YAN

LORDETH BONILLA

MAPUA ST.

MAYNILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with