Koreano nilikida sa harap ng asawa't anak
June 23, 2002 | 12:00am
Kasalukuyang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga tauhan ng Western Police District (WPD) kaugnay sa isinagawang pagpaslang sa isang Korean national na tinambangan ng dalawang hindi nakikilalang kalalakihan sa harap mismo ng kanyang asawat anak, kamakalawa ng gabi sa Malate, Manila.
Nakilala ang nasawing dayuhan na si Jang Sung Lee, 39, negosyante at pansamantalang nanunuluyan sa Pan Pacific Hotel sa panulukan ng Malvar at Adriatico St., ng nabanggit na lungsod.
Ayon sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-10:40 ng gabi nang paulanan ng bala ng baril ang biktima ng dalawang hindi nakikilalang lalaking lulan sa isang motorsiklo ang biktima habang kasama ang kanyang asawat anak patungo sa Diamond Tea House and Restaurant sa may Dr. Quintos St.
Binanggit pa na dumating sa bansa ang biktima buhat sa bansang Japan na doon ito ay may inayos na negosyo.
Walong tama ng bala ng baril sa ibat ibang bahagi ng katawan ang tinamo ng biktima at hindi na umabot pang buhay nang isugod sa Manila Doctors Hospital.
Hindi pa matiyak ng pulisya ang motibo sa isinagawang pagpaslang, subalit tinitingnan nila ang anggulong may kinalaman sa insurance. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest