Nakilala ang dalawang dinismis na jailguards na sina PO1 Dante Repulledo at PO1 Rico Cuanico.
Ito ay matapos ngang tuluyang magalit si Pangulong Gloria Arroyo at ipag-utos ang tuluyang pagdismis sa mga taong direktang sangkot sa pagtakas ng Pentagon lider na si Faizal Marohombsar at dalawa pang sina Ronaldo Patino at Abdul Macarambong.
Samantala, ipinasisiyasat naman ni Senator Rodolfo Biazon sa PNP ang pahayag ni PNP Deputy Director General Hermogenes Ebdane na inside job ang pagkatakas ng grupo ni Marohombsar at posibleng kagagawan ng kanyang mga kalaban upang hindi siya maupo bilang PNP chief sa susunod na buwan.
Sinabi ni Biazon, kung mapapatunayang totoo ang pahayag ni Ebdane at dalawang tauhan nito, nalalabag umano ang sacred sworn duty ng mga pulis na bigyang proteksyon ang publiko at ipatupad ang batas at kaayusan. (Ulat nina Joy Cantos, Ely Saludar at Rudy Andal)