^

Metro

Jailguards na sangkot sa pagtakas ng Pentagon leader, dinismis

-
Tuluyan nang idinismis sa serbisyo ni NAKTAF chief Deputy Director General Hermogenes Ebdane ang dalawang jailguards na responsable sa pagkatakas ng leader ng Pentagon kidnap-for-ransom group sa loob ng nasabing tanggapan noong nakaraang Miyerkules.

Nakilala ang dalawang dinismis na jailguards na sina PO1 Dante Repulledo at PO1 Rico Cuanico.

Ito ay matapos ngang tuluyang magalit si Pangulong Gloria Arroyo at ipag-utos ang tuluyang pagdismis sa mga taong direktang sangkot sa pagtakas ng Pentagon lider na si Faizal Marohombsar at dalawa pang sina Ronaldo Patino at Abdul Macarambong.

Samantala, ipinasisiyasat naman ni Senator Rodolfo Biazon sa PNP ang pahayag ni PNP Deputy Director General Hermogenes Ebdane na ‘inside job’ ang pagkatakas ng grupo ni Marohombsar at posibleng kagagawan ng kanyang mga kalaban upang hindi siya maupo bilang PNP chief sa susunod na buwan.

Sinabi ni Biazon, kung mapapatunayang totoo ang pahayag ni Ebdane at dalawang tauhan nito, nalalabag umano ang ‘sacred sworn duty’ ng mga pulis na bigyang proteksyon ang publiko at ipatupad ang batas at kaayusan. (Ulat nina Joy Cantos, Ely Saludar at Rudy Andal)

ABDUL MACARAMBONG

DANTE REPULLEDO

DEPUTY DIRECTOR GENERAL HERMOGENES EBDANE

ELY SALUDAR

FAIZAL MAROHOMBSAR

JOY CANTOS

PANGULONG GLORIA ARROYO

RICO CUANICO

RONALDO PATINO

RUDY ANDAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with