^

Metro

Comics artist nag-suicide

-
Pinaniniwalaang nasa impluwensiya ng ipinagbabawal na gamot nang magpakamatay ang isang comics artist matapos itong maging desperado sa buhay dahil sa pagkawala ng kanyang trabaho, kahapon sa Makati City.

Nagpakamatay sa pamamagitan nang pagbibigti si Danilo Melchor, 42, ng Barangay Comembo ng nabanggit na siyudad.

Ayon sa isinagawang imbestigasyon ni PO1 Ricky Tan, ng Makati police nabatid sa ilang kaanak ng nasawi na simula umano nang matanggal ito sa trabaho bilang comics artist ay labis na itong naging malungkutin. Masyado umano nitong dinamdam ang pagkabigo niya sa buhay kaya nalulong sa bisyo.

Dakong alas-9 ng umaga kahapon nang matuklasan ang ginawa nitong pagpapatiwakal sa loob ng kanyang kuwarto.

Narekober din ng pulisya sa loob ng kuwarto nito ang ilang drug paraphernalias kaya malaki ang kanilang hinala na nasa impluwensiya ito ng ipinagbabawal na gamot nang isagawa ang pagbibigti.

Samantala, isang 47-anyos na jeepney driver ang iniulat ding nagpakamatay sa pamamagitan nang pagbibigti matapos magkatampuhan ng kanyang asawa sa Malabon City.

Nakilala ang nagpatiwakal na si Reynaldo Diosinio ng nabanggit na siyudad.

Base sa ulat, nagkaroon umano ito nang tampuhan sa asawang si Celia na hinihinalang labis nitong dinamdam kaya nagawa nitong magpakamatay. (Ulat nina Lordeth Bonilla at Gemma Amargo)

vuukle comment

AYON

BARANGAY COMEMBO

DANILO MELCHOR

GEMMA AMARGO

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

MALABON CITY

NANG

REYNALDO DIOSINIO

RICKY TAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with