Drugstore nilusob ng NBI
June 21, 2002 | 12:00am
Sinalakay kamakailan ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang drugstore sa Binondo dahil sa ilegal na pagbebenta ng kilalang brand ng Korean Red Ginseng products.
Ang drugstore na nasa 622 T. Alonzo St., na may pangalang Soy Chong Chinese Drugstore ay nakumpiskahan din ng limang kahon ng Korean red ginseng capsules na nagtataglay ng Cheong Kwan-Jang na siyang trademark at tradename ng Insam Corporation.
Naaresto sa nasabing pagsalakay si Rodel Ortiz, alias Tan King Lim.
Naaktuhan si Ortiz ng NBI makaraang tanggapin nito ang marked money mula sa isang poseur buyer ng ginseng products.
Ang pagsalakay ng NBI ay bunsod na rin ng isinampang reklamo ng mga opisyal ng Insam Corporation na may tanggapan sa Unit 401 Kassel Condominium, 2625 Taft Avenue, Manila kaugnay ng ilegal at hayagang pagbebenta ng suspek ng kanilang produktong ginseng. (Ulat ni Andi Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am