^

Metro

Kasal ni Rustom-Carmina annul na

-
Tuluyang nagwakas na rin ang natitirang ebidensya ng pagmamahalan ng mag-asawang sina Rustom Padilla at Carmina Villaroel matapos na ma-annul na ang kasal ng dalawa sa isang desisyon ng Pasig City Regional Trial Court.

Idineklara ni Judge Lorifel Pahimna ng Branch 69 sa kanyang 29-pahinang desisyon, na null and void na ang kasal dahil sa "psychological incapacity" ni Villaroel at kawalan naman ng "sex drive" ni Padilla.

Matatandaan na isinampa ni Villaroel ang kaso ng annulment noong 1998 na inaprubahan ng korte matapos na magkasundo ang dalawang panig na ibenta at paghatian ang lahat ng kanilang mga ari-arian.

Ikinatwiran din ni Villaroel ang pagiging over-protective, sobrang seloso at pagiging insecure ni Padilla. Sinabi naman ni Padilla na walang katotohanan na hindi sila nagsi-sex ng kanyang asawa. Gumagamit umano ng pills ang aktres kaya hindi sila magkaanak.

Sinabi ni Judge Pahimna na "at the time they were married, petitioner (Villaroel) was suffering from psychological defect which in fact deprived her of the ability to assume essential duties of marriage and its concomittant responsibilities. (Ulat ni Danilo Garcia)

CARMINA VILLAROEL

DANILO GARCIA

GUMAGAMIT

JUDGE LORIFEL PAHIMNA

JUDGE PAHIMNA

PADILLA

PASIG CITY REGIONAL TRIAL COURT

RUSTOM PADILLA

SINABI

VILLAROEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with