NBI agent sa Ong kidnapping lumutang
June 20, 2002 | 12:00am
Lumutang na kahapon sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) kasama ang kanyang abogado ang isang agent ng bureau na nasasangkot sa naganap na pagdukot sa isang Fil-Chinese dermatologist kamakailan.
Sa press briefing, sinabi ni NBI director Reynaldo Wycoco na ipinatawag nila ang NBI agent na si Alex Advento na nakatalaga sa NBI-Bayombong Nueva Ecija para pagpaliwanagin sa kaso.
Ito ay matapos na marekober ang ID nito sa loob ng pulang Nissan Sentra na siyang ginamit sa pagdukot kay Dr. Charmaine Ong, anak ng may-ari ng CDO Food Products.
Pinagpapaliwanag din ni Wycoco si Advento kung papaanong napunta ang kanyang ID sa loob ng sasakyan ng mga kidnapper.
Sakali umanong hindi maipaliwanag ni Advento ang nasabing bagay ay ikokonsidera nila itong suspect sa krimen at sasampahan ng kaukulang kaso.
Magugunitang si Ong ay tinulungang makatakas ng isa niyang bantay na kidnaper noong nakalipas na Sabado ng umaga kaya nakauwi ito sa kanyang pamilya nang walang ibinibigay na anumang ransom. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended