Naaagnas na bangkay ng arkitekto natagpuan
June 20, 2002 | 12:00am
Natagpuan kahapon sa loob ng inuupahan niyang bahay ang naaagnas na bangkay ng isang arkitekto na hinihinalang nagpakamatay sa pamamagitan nang pagbibigti may limang araw na ang nakakalipas sa Quezon City.
Nadiskubre ang naaagnas na bangkay ni Dwight David Bavia, 34, sa loob ng inuupahan nitong bahay sa 15 West Riverside sa panulukan ng Del Monte Avenue, San Francisco del Monte, Quezon City makaraang umalingasaw ang masangsang na nitong amoy.
Binanggit sa ulat na dakong alas-8 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ni Bavia nang puwersahan nang buksan ng kanyang landlady ang inuupahan nitong bahay.
Sa salaysay ng ilang mga kakilala ng nasawi, napansin umano nila na ilang araw nang hindi lumalabas ng bahay si Bavia, nagpadagdag pa sa kanilang pag-aalala ay nang umalingasaw ang masangsang na amoy buhat sa inuupahan nitong bahay.
Dito na nila sinabi sa landlady ni Bavia na buksan ang bahay para mabatid kung may nangyari sa naturang arkitekto at doon nga natuklasan na patay na ito.
Bago ang nasabing insidente, napag-alaman buhat sa mga kaibigan ng nasawi na nagkapatung-patong umano ang problema nito.
Nalaman umano nito na niloko siya ng kanyang nobya at hindi pala niya anak ang ipinakikilalang bata bagkus ay sa ibang lalaki.
Nadagdag pa sa sama ng loob nito ang pagkatanggal sa pinaglilingkurang kompanya.
Malamang umano na hindi na nakayanan ni Bavia ang sobrang depresyon kaya nagawa nitong magpakamatay.
Gayunman, patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya ukol dito para matiyak na walang naganap na foul play sa pagkasawi ni Bavia.(Ulat ni Jhay Mejias)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest