^

Metro

'Weakest Link' contestant inatake sa puso dahil sa nerbiyos

-
Goodbye!

Hindi sa dami ng maling sagot o boto laban sa kanya ang nagpasya ng pagiging ‘weakest link’ ng isang lalaking contestant sa sikat na game show na ‘The Weakest Link’ kundi ang atake sa puso na naging sanhi ng kanyang kamatayan, kamakalawa ng umaga sa Marikina City.

Nagawa pang isugod sa Quezon City Medical Center ng contestant na si Garry Gonzaga, 33, ng Daisy St., Parañaque City ngunit hindi na nagawa pang maisalba ang buhay nito ng mga manggagamot.

Ayon kay Rodrigo Caguinguin, ng Rescue 161, isang tawag umano ang kanilang natanggap dakong alas-11 ng umaga ukol sa isang lalaki na inatake sa puso sa set ng "D Studio" sa may Riverbanks sa Barangay Barangka ng naturang lungsod.

Inabutan nila ang biktima na naghihingalo at nilapatan nila ng pangunahing lunas.

Nabatid rin mula sa mga kamag-anak ni Gonzaga na hindi umano ito masyadong nakatulog noong gabi bago ang taping kinabukasan ng game show na ang host ay ang aktor na si Edu Manzano.

Hindi naman nagbigay ng pahayag ang staff ng game show sa naganap na insidente. Maaring nakadagdag sa pagod at puyat ng biktima ang nerbiyos ang naging sanhi ng atake nito. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

BARANGAY BARANGKA

D STUDIO

DAISY ST.

DANILO GARCIA

EDU MANZANO

GARRY GONZAGA

MARIKINA CITY

QUEZON CITY MEDICAL CENTER

RODRIGO CAGUINGUIN

WEAKEST LINK

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with