^

Metro

Sikyu ng immigration sinibak sa pagtakas ng 2 Jordanian

-
Sinibak ni Immigration Commissioner Andrea Domingo ang isang contractual security guard na nakadestino sa Bureau of Immigration jail sa Bicutan dahil sa pagkatakas ng dalawang Jordanian detainees kamakalawa.

Ang sinibak ay si Hermogenes Castillo na siyang sinisisi sa pagkatakas ng mga dayuhang sina Adnan Salem Al-Balawi at Eyman Damous.

Bukod dito, pinagpapaliwanag din ni Domingo sa loob ng 72 oras ang warden sa nasabing piitan na si Renato Calingasan.

Base sa ulat, ang mga dayuhang bilanggo ay bigla na lamang nawala noong Lunes ng hapon habang inieskortan ni Castillo pabalik sa Bicutan jail ilang oras matapos na ang dalawa ay dumalo sa court hearing sa Makati.

Dahil dito, ipinag-utos din ni Domingo kay immigration intelligence chief Lino Calingasan na maglunsad agad ng manhunt operation laban sa dalawang pugante.

Nabatid na hindi na nagreport sa trabaho si Castillo noong Lunes ng hapon nang makatakas ang dalawang bilanggo, hindi rin ito nagsumite ng anumang report o paliwanag tungkol sa naganap na pagkawala ng mga preso.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na matapos na dumalo sa pagdinig sa korte ang dalawang Jordanian ay ineskortan ito ni Castillo pabalik sa immigration main office sa Intramuros para kumuha ng iba pang dokumento sa kanilang kaso.

Imbes na pagkatapos ay bumalik na ang mga ito sa Bicutan, dinala ni Castillo ang dalawa sa bahay ni Al-Balawi sa Sta. Mesa at ilang oras pa ang nakalipas ay iniulat na nawawala na ang dalawang bilanggo. (Ulat ni Rey Arquiza)

ADNAN SALEM AL-BALAWI

BICUTAN

BUREAU OF IMMIGRATION

DOMINGO

EYMAN DAMOUS

HERMOGENES CASTILLO

IMMIGRATION COMMISSIONER ANDREA DOMINGO

LINO CALINGASAN

RENATO CALINGASAN

REY ARQUIZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with