DOJ nagpalabas ng subpeona laban kay Cardeño
June 19, 2002 | 12:00am
Ipinalabas na kahapon ng Department of Justice ang subpoena laban kay Rebolusyonaryong Alyansang Makabansa (RAM) leader Sr. Supt. Rafael Cardeño kaugnay sa pagpaslang kay Young Officers Union (YOU) leader Baron Cervantes.
Kinumpirma ni DOJ Senior State Prosecutor Theodore Villanueva, pinuno ng tatlo kataong panel na may hawak sa kaso na ipinadala nila ang subpoena sa bahay ni Cardeño sa Green Meadows Subdivision, Biñan, Laguna.
Subalit patuloy pa rin umano sa pagtatago ang PNP colonel kayat ito ay tinanggap lamang ng kamag-anak nitong si Liza Cardeño at isang Joseph Opinion.
Layunin pa rin nito na bigyan ng pagkakataon ang naturang RAM leader na pabulaanan ang mga akusasyon laban sa kanya hinggil sa kanyang pagiging utak umano sa krimen. Itinakda ng DOJ ang preliminary investigation (PI) sa kaso sa Hunyo 26.
Bukod kay Cardeño ay inatasan din ng DOJ ang iba pang akusado na dumalo sa gaganaping pagdinig kabilang sina Marine Sgt. Joseph Mostrales, Jaime Centeno at Erlindo Torres.
Pawang arestado na ang tatlo na nagnanais na tumayong state witness laban kay Cardeño.
Matatandaan na sinabi ng mga ito na nakahanda nilang ikanta si Cardeño na siyang utak umano sa krimen makaraang utusan sila ng RAM leader na ipapatay si Cervantes. (Ulat ni Grace Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended