Bitay hatol sa 3 killer ng lady auditor
June 19, 2002 | 12:00am
Bitay ang naging hatol kahapon ng hukuman laban sa tatlong construction worker na nagtangkang humalay at pumaslang sa isang dalagang junior auditor noong nakalipas na March 23, 1999.
Sa 21-pahinang desisyon ni Judge Ricardo Rosario ng Branch 66, ng Makati City Regional Trial Court, ang hinatulang mabitay ay sina Celino Nabong, Alvin Laguit at Nolfe Ladiao na napatunayang guilty sa kasong attempted rape with homicide.
Samantala, pinawalang sala naman ng hukuman ang isa pang akusado na nakilalang si Arnel Miraflor, isa ring construction worker dahil sa kakulangan ng ebidensiya na magdidiin dito.
Base sa rekord ng korte naganap ang krimen noong March 23, 1999 dakong alas-9:15 ng gabi sa stockyard ng RCBC Bank na matatagpuan sa panulukan ng Kamagong at Ayala Avenue malapit sa barracks ng mga akusado.
Nabatid na papauwi na noon ang biktima na nakilalang si Ederlinda Cruz Gabriel nang salakayin ng mga akusado at dalhin sa naturang lugar.
Dito pinagtangkaang gahasain ng mga akusado ang biktima na nanlaban kayat inundayan naman ito ng sunud-sunod na saksak sa katawan.
Isang vendor ang nakasaksi sa insidente kayat agad siyang humingi ng tulong sa mga awtoridad. Nadakip ang mga akusado sa isinagawang operasyon. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended