^

Metro

4 timbog sa P6-M shabu

-
Apat katao na kinabibilangan ng mga Intsik at Pinoy ang nadakip ng pulisya matapos makumpiska sa mga ito ang humigit kumulang sa dalawa at kalahating kilong shabu, na tinatayang nasa P5 milyong halaga sa isang buy-bust operation kamakalawa sa Pasay City.

Kinilala ang mga suspek na sina Wilson Chua, 28, binata, isang Casino financier, nakatira sa Apartment V. Blanco Compound, Figueroa St., Pasay City; Kwa Robert Go ‘‘alias Mr. Wang,’’ 30, residente ng #21-C, Timog Avenue, Quezon City, kapwa Chinese national at Sy May Ann Chua, 26, isang Pinoy, taga #188 C. Cordero St., Marulas, Valenzuela City.

Nabatid na nakatanggap ng impormasyon mula sa kanilang pulis asset ang tanggapan ng Metro Manila Drug Enforcement Unit, National Capital Regional Police Office (MMDEG-NCRPO), na ang nabanggit na mga suspek ay nagbebenta at nag-su-supply ng droga sa area ng Pasay City at Maynila.

Dahil dito, naglunsad ng isang buy-bust operation ang nasabing operatiba noong Hunyo 15 hanggang 16 sa Apartment V. Blanco Compound, Figeuroa St., Pasay City.

Nagpanggap na poseur buyer ang isang pulis na miyembro ng MMDEG-NCRPO sa pamamagitan ng halagang P6,000 marked money.

Dinakip ng nasabing mga alagad ng batas ang tatlong suspek at nakumpiska sa mga ito ang humigit kumulang sa dalawa at kalahating kilong shabu, na tinatayang nasa P5 milyon.

Nabatid na ang mga suspek ay pinaghihinalaang big-time drug pusher at ang mga ito ay nahaharap sa kasong pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot.

Samantala, inaresto ng pinagsanib na operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine Air Force (PAF) ang isang drug trafficker at nakumpiska ang mahigit isang kilo ng shabu sa isinagawang buy-bust operation kamakailan sa Pasay City.

Sinampahan ng kasong paglabag sa RA 6425 sa piskalya ng Pasay at kasalukuyang nakadetine sa NBI Integrated jail ang suspek na si Richard Nicolas, 42 anyos, may-asawa ng No. 108 Malagasang II, Imus, Cavite.

Base sa report, si Nicolas ay inaresto nitong nakaraang June 13 sa loob ng isang restaurant na matatagpuan sa Roxas Blvd., Pasay City.

Ang pagkaaresto kay Nicolas ay bunsod ng impormasyon na natanggap ng 300th Air Intelligence and Security Group (AISG) ng Philippine Air Force hinggil sa pagbebenta ng shabu ng suspek sa Southern part ng Metro Manila.

Dahil dito, nakipagtulungan ang PAF sa NBI at saka plinano ang buy-bust operation kung saan tumayong poseur buyer ang impormante at nakipagkasundo na bumili ng isang kilo ng shabu sa suspek.

Habang nasa aktong binubuksan ng suspek ang kanyang knapsack bag na naglalaman ng shabu ay agad itong dinakip ng mga elemento ng PAF at NBI. (Ulat nina Lordeth B. Bonilla/Ellen Fernando)

vuukle comment

AIR INTELLIGENCE AND SECURITY GROUP

APARTMENT V

BLANCO COMPOUND

CITY

CORDERO ST.

ISANG

PASAY CITY

PHILIPPINE AIR FORCE

SUSPEK

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with