^

Metro

Koreano tinodas ng kalahi

-
Isang Korean national ang binawian ng buhay habang inuoperahan matapos na magtamo ng dalawang tama ng bala nang barilin ng kanyang amo na isa ring Koreano ukol sa pagtatalo sa negosyo, kahapon ng madaling araw sa San Juan, Metro Manila.

Namatay matapos ang pitong oras sa loob ng Cardinal Santos Hospital ang biktimang nakilalang si Chol Ho Lee, 32, residente ng Unit 12-D Goldland Plaza, sa may #8 Eisenhower St., ng bayang ito. Nagtamo ito ng isang tama ng bala sa kanyang sikmura at sa ulo na siya nitong ikinamatay.

Kusang-loob namang sumuko sa pulisya ang suspek na si Kim Chong Tae, construction contractor/engineer, at residente rin ng naturang lugar. Isinuko rin nito sa mga pulis ang ginamit na kalibre 9mm. na baril.

Ayon kay P/Supt. Rodrigo de Gracia, hepe ng San Juan police, naganap ang insidente dakong alas-2:30 ng madaling araw sa loob ng tinutuluyan nilang condo unit. Isang tawag ang natanggap ng pulisya ukol sa naganap na barilan na agad nilang nirespondehan.

Nakataas na ang kamay ni Tae nang pagbuksan nito ng pinto ang mga pulis at isinuko ang kanyang bitbit na baril. Mabilis na isinugod naman sa pagamutan si Lee ngunit hindi na nagawa pang iligtas.

Ayon kay De Gracia, nagkaroon umano ng pagtatalo ang dalawang magkababayan ukol sa kanilang negosasyon hanggang sa mauwi ito sa pamamaril. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

AYON

CARDINAL SANTOS HOSPITAL

CHOL HO LEE

D GOLDLAND PLAZA

DANILO GARCIA

DE GRACIA

EISENHOWER ST.

ISANG KOREAN

KIM CHONG TAE

SAN JUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with