^

Metro

Estudyante todas sa bugbog

-
Matapos ang 11-araw na pagkakabugbog, hindi akalain ng mga magulang ng isang 16-anyos na binatilyo na nagkaroon pala ng kumplikasyon sa ulo ang kanilang anak sa tinamong gulpi na naging sanhi ng kamatayan nito sa Mandaluyong City.

Dinakip kahapon ng pulisya ang isa sa dalawang suspek na si Mark Anthony Padaca, 16, alyas Macmac, estudyante ng Banahaw St., Mandaluyong City habang nakilala naman ang kasamahan niya na si Rein Nicholas Arosa Caracedo, 15, alyas Renren ng 586 Samat St., ng lungsod na ito.

Ipinadakip sila ni Rosalinda Delana, 34, may-asawa, ng #923 Banahaw St., Mandaluyong City matapos na tuluyang namatay ang kanyang anak na si John Rudolf, 16, 4th year high school student.

Sa ulat ni PO3 Noli Cortez, nabatid na naganap ang pambubugbog ng dalawang binatilyo kay John Rudolf noong alas-10 ng gabi ng Hunyo 1 sa kanto ng Samat at Banahaw Street. Naawat ng mga barangay tanod ang naturang gulo kung saan isinugod sa Mandaluyong City Medical Center ang biktima na nagtamo ng iba’t ibang bugbog sa ulo at katawan.

Pinalabas rin naman ng mga manggagamot si John Rudolf matapos na umayos ang pakiramdam nito ngunit matapos ang 10 araw ay muling isinugod ito sa Philippine General Hospital dahil sa pagrereklamo ng pananakit ng kanyang ulo.

Dito na binawian ng buhay ang biktima dahil sa pagdurugo sa loob ng kanyang ulo na namuo na at nagbara.(Ulat ni Danilo Garcia)

BANAHAW ST.

BANAHAW STREET

DANILO GARCIA

JOHN RUDOLF

MANDALUYONG CITY

MANDALUYONG CITY MEDICAL CENTER

MARK ANTHONY PADACA

NOLI CORTEZ

PHILIPPINE GENERAL HOSPITAL

REIN NICHOLAS AROSA CARACEDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with