4 buwang fetus iniwan sa food chain
June 17, 2002 | 12:00am
Halos masuka-suka ang ilang kustomer na kumakain ng kanilang almusal sa isang food chain matapos na isang patay na sanggol na fetus ang natagpuan sa isang upuan, kahapon ng umaga sa Marikina City.
Natagpuan ni Voltaire Dimabayao, service crew ng Tropical Hut Hamburger sa may Bayan-Bayanan Avenue corner Santos Avenue, Brgy. Concepcion 1 ng lungsod na ito, ang naturang fetus sa isa sa mga silya dakong alas-8 ng umaga.
Isang pulang shoulder bag umano ang naiwan ng isang hindi nakilalang babaing kustomer. Nang inspeksyunin ng guwardiya ang laman nito ay dito nadiskubre ang patay na fetus na nakabalot pa sa isang diyaryo.
Nang malaman ng mga ibang kustomer ang pagkakatagpo sa fetus ay ilan sa mga ito ang tuluyang hindi na nakakain lalo na iyong mga maseselan.
Dinala na ang naturang fetus sa isang punerarya at nakatakdan bigyan ng blessing bago ito ilibing. (Ulat ni Danilo Gracia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended