P500-M nalimas sa money changer
June 16, 2002 | 12:00am
Umaabot sa halagang P 500 milyon ang nalimas ng anim na di pa kilalang mga suspek nang pasukin at iransak ang isang money changer sa Quezon City, kamakalawa ng hapon.
Batay sa sumbong ng may-ari ng Cielitos Money Changer na matatagpuan sa 62-B Xavierville Loyola Heights, QC, na si Mila Tan, 54, negosyante at residente ng 1525 Libra St., Jordan Plains Subd., Novaliches, QC, naganap ang insidente dakong 4:30 ng hapon.
Isa umano sa 6 na suspek ay nagpapalit ng isang dolyar sa kanilang ahensya at paglabas nito ay may isa pa na sumalubong dito na parang may itinatanong.
Agad namang pumasok ang huli kasama ang dalawang suspek sa loob ng money changer at tuloy tinutukan ng armas ang mga tauhan ng naturang money changer.
Walang kaabug-abog ay nakuha umano ng mga suspek ang limandaang milyong piso at tumakas sakay ng isang Honda Civic, may plakang WTB-823 at isang motorsiklo na walang plaka.
Dalawa umano sa mga suspek ay nagsilbing look-out sa naganap na insidente.
Patuloy namang iniimbestigahan ng QC police ang insidente at hinihinalang inside job ang naturang pangyayari. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended