^

Metro

'Salisi Gang' sa NAIA, timbog

-
Bumagsak sa kamay ng mga awtoridad sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang babaeng hinihinalang miyembro ng kilabot na grupong Salisi Gang matapos tangayin ang bag ng isang papaalis na Korean national.

Sa ulat ni Supt. Efren Labiang, hepe ng 1st Regional Aviation Security Office (RASO) kay Chief Supt. Marcelo Ele Jr., ng PNP-Aviation Security Group nakilala ang nadakip na suspect na si Hazel Reyes, 21, tubong Matina, Davao City at naninirahan sa San Nicolas, Bacoor, Cavite.

Sa isinagawang imbestigasyon, nabatid na ang suspect ay nasakote ni Romy Lanag, security guard ng Lanting Security Agency na nakatalaga sa NAIA Centennial Terminal 2, habang hawak ang shoulder bag ng biktimang si Kim Sung Hul, 57, na nakatakdang umalis patungong Inchon, South Korea sakay ng Philippine Airlines flight PR-468.

Nabatid buhat kay Lanag na nakita niyang humalubilo ang suspect sa biktima nang bumaba ito sa isang van sa departure curve side ng nasabing airport.

Nang malingat ang biktima habang abala sa pag-aasikaso sa iba pa niyang gamit ay kaagad na tinangay ng suspect ang isang shoulder bag at akma nang tatakas nang sunggaban ng nakaalertong sekyu.

Nabatid na ang suspect ay makailang beses nang nahuli sa naturang paliparan.

Bago umalis ang biktima ay nagharap muna ito ng pormal na demanda laban sa suspect na nakapiit sa Airport Police. (Ulat ni Butch Quejada)

vuukle comment

AIRPORT POLICE

AVIATION SECURITY GROUP

BUTCH QUEJADA

CENTENNIAL TERMINAL

CHIEF SUPT

DAVAO CITY

EFREN LABIANG

HAZEL REYES

KIM SUNG HUL

LANTING SECURITY AGENCY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with