^

Metro

Ex-mayor Bayani Fernando bagong MMDA chief

-
Itinalaga kahapon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo si dating Marikina Mayor Bayani Fernando bilang bagong chairman ng Metro Manila Development Authority (MMDA).

Inihayag ng Pangulo na ang pagkakapili niya kay Fernando bilang bagong MMDA chief ay dahilan sa magandang performance nito sa Marikina noong ito ay alkalde pa.

Hinirang si Fernando sa MMDA matapos na bakantehin ito ni COMELEC chairman Benjamin Abalos.

Inatasan ni Pangulong Arroyo si Fernando na linisin ang buong Metro Manila mula sa basura at problema sa trapiko.

Umaasa ang Malacañang na ang magandang nagawa ni Fernando sa Marikina ay maipapatupad nito sa buong Metro Manila.

Hinangaan si Fernando sa pagpapaganda nito sa Marikina kung saan ay malinis sa basura at nagpatupad ng mas matinding sistema na nagdisiplina sa mga mamamayan doon.

Samantala, napipisil din ng Malacañang si dating Muntinlupa mayor at congressman Ignacio "Toting" Bunye bilang bagong press secretary.

Ito ay matapos na hindi mapili si Bunye na kabilang sa kandidato sa pagiging chairman ng MMDA.

Ayon sa source ng Palasyo, seryosong ikinokonsidera ni Pangulong Arroyo si Bunye bilang press secretary dahil sa ito ay naging peryodista rin. (Ulat ni Ely Saludar)

BENJAMIN ABALOS

BUNYE

ELY SALUDAR

FERNANDO

MALACA

MARIKINA MAYOR BAYANI FERNANDO

METRO MANILA

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

PANGULONG ARROYO

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with