^

Metro

Grupo ng 'Ativan gang' tugis sa pagpatay sa Korean diplomat

-
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Makati police tungkol sa pagkamatay ng Korean diplomat na una nang nakitang nawawala at nakita ang bangkay nito sa Marikina City noong nakalipas na Hunyo 7 ng taong kasalukuyan.

Sa ulat na isinumite sa tanggapan ni Makati City chief, Supt. Jovito Gutierrez positibong kinilala ng kanyang mga kaanak at kasamahan sa Korean Embassy ang labi ni Young Ho Chung, 47, ng Rits Tower Condominium sa Ayala Avenue, Makati City sa isang morgue sa San Mateo, Rizal.

Si Chung ay nauna nang iniulat na nawawala simula pa noong nakalipas na Hunyo 6, 2002.

Kinabukasan nakita ng isang Sylvia Nana Diego ang bangkay nito sa may Marikina Heights, Marikina City. Hindi naman agad nabatid na ito ay si Chung dahil sa walang nakuhang anumang pagkakakilanlan dito.

Hanggang sa lumabas na kamakalawa sa mga pahayagan ang pagkawala ng Koreano at saka lamang na-trace na ito nga ang nakuhang bangkay.

Bagamat walang external injuries na tinamo ang biktima, malaki ang paniwala ng pulisya na posibleng atake sa puso o suffocation ang ikinamatay nito. Ito marahil ay bunga naman sa ipinainom ditong droga ng grupo ng kalalakihan na miyembro ng ‘Ativan Gang’ na siyang bumiktima sa naturang Korean diplomat.

Magugunitang bago nawala ang biktima nakita itong kasama ang isang lalaki na nagyaya dito nang inuman.

Nabatid na maaaring ang bumiktima sa Koreano ay ang grupo ng Ativan gang na kumikilos sa naturang lugar at ang target ng operasyon ay mga dayuhan.

Maaari umanong namatay ang dayuhan sa pag-inom ng droga at itinapon na lang ng mga suspect sa malayong lugar para iligaw ang mga awtoridad. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

ATIVAN GANG

AYALA AVENUE

HUNYO

JOVITO GUTIERREZ

KOREAN EMBASSY

KOREANO

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

MARIKINA CITY

MARIKINA HEIGHTS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with