Pinangunahan nina dating Senador Juan Ponce Enrile, Linda Montayre ng Peoples Consultative Assembly (PCA) at Arnold Obina ng Peoples Movement Against Poverty (PMAP) ang paghaharap ng kaso kasabay ng kanilang hiling na pagpapalabas ng temporary restraining order (TRO) laban sa PPA.
Kasabay nito, dumagsa din ang ibat ibang miyembro ng cause-oriented groups sa korte dakong alas-10 ng umaga kung saan ay kinuwestiyon nila ang legalidad sa Konstitusyon ng Electric Power Industry Reform Act na ipinasa ng Kongreso noong nakaraang taon.
Sa kanilang 23 pahinang desisyon, sinabi ng mga ito na sa ilalim ng naturang batas, binigyan ng awtoridad ang Meralco at NAPOCOR na ipasa sa publiko ang pagbabayad ng stranded costs ng mga independent power producers contracts kahit na hindi ito nagagamit at nabibigyang benepisyo ang mga tao.
Ang maraming naaprubahang kontrata ng IPP ay naganap noong panahon nina dating Pangulong Aquino at Ramos sa ilalim ng Build-Lease-Transfer scheme. (Ulat ni Danilo Garcia)