^

Metro

Class suit vs PPA, isinampa na

-
Pormal ng isinampa kahapon ang class suit laban sa Manila Electric Company at National Power Corporation sa Pasig Regional Trial Court upang tuluyang pigilan ang pagpapatupad ng kontrobersiyal na Power Purchased Adjustment (PPA).

Pinangunahan nina dating Senador Juan Ponce Enrile, Linda Montayre ng People’s Consultative Assembly (PCA) at Arnold Obina ng People’s Movement Against Poverty (PMAP) ang paghaharap ng kaso kasabay ng kanilang hiling na pagpapalabas ng temporary restraining order (TRO) laban sa PPA.

Kasabay nito, dumagsa din ang iba’t ibang miyembro ng cause-oriented groups sa korte dakong alas-10 ng umaga kung saan ay kinuwestiyon nila ang legalidad sa Konstitusyon ng Electric Power Industry Reform Act na ipinasa ng Kongreso noong nakaraang taon.

Sa kanilang 23 pahinang desisyon, sinabi ng mga ito na sa ilalim ng naturang batas, binigyan ng awtoridad ang Meralco at NAPOCOR na ipasa sa publiko ang pagbabayad ng stranded costs ng mga independent power producers contracts kahit na hindi ito nagagamit at nabibigyang benepisyo ang mga tao.

Ang maraming naaprubahang kontrata ng IPP ay naganap noong panahon nina dating Pangulong Aquino at Ramos sa ilalim ng Build-Lease-Transfer scheme. (Ulat ni Danilo Garcia)

ARNOLD OBINA

CONSULTATIVE ASSEMBLY

DANILO GARCIA

ELECTRIC POWER INDUSTRY REFORM ACT

LINDA MONTAYRE

MANILA ELECTRIC COMPANY

MOVEMENT AGAINST POVERTY

NATIONAL POWER CORPORATION

PANGULONG AQUINO

PASIG REGIONAL TRIAL COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with