Pasyente tumalon mula sa 6th floor ng ospital
June 12, 2002 | 12:00am
Dahil sa hindi na makayanan ang malalang sakit, nagpasyang magpakamatay ang isang 42-anyos na pasyente sa pamamagitan nang pagtalon sa ika-anim na palapag ng pagamutan, kahapon ng umaga sa Quezon City.
Basag ang bungo at nagkabali-bali ang mga buto ni Ramon de Jesus, ng Don Manuel St., La Loma, Quezon City na tumalon mula sa ika-anim na palapag ng Capitol Medical Center na nasa Panay Avenue, Quezon City.
Base sa ulat, dakong alas-6:15 ng umaga nang makitang palakad-lakad ang nasawi sa ika-anim na palapag ng pagamutan, gayunman dahil sa madalas itong gawin ng pasyente ay hindi naman pinansin ng mga nakakita.
Nabatid pa na labas-masok si de Jesus sa pagamutan dahil sa sakit nito sa puso na matagal na niyang iniinda.
Kahapon ng madaling araw ng muli itong dalhin sa pagamutan ng kanyang anak. Pansamantala itong inadmit sa pagamutan at dahil naman sa matinding pagkaantok ng anak hindi nito namalayan na lumabas ng silid ang ama at saka isinagawa nito ang pagtalon sa gusali ng pagamutan.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya ukol dito. (Ulat ni Jhay Mejias)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended