^

Metro

P10-M ari-arian naabo

-
Tinatayang aabot sa P10 milyon ang halaga ng mga ari-arian ang natupok makaraang masunog ang isang pabrika na gawaan ng muwebles kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Bukod dito, isa katao ang iniulat na nasugatan sa naganap na sunog.

Base sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng Caloocan City ang natupok ng apoy ay ang Comlife Furnitures na pag-aari ng isang Grace See at ang CPI motors na nasa Tullahan Road, Sta. Quiteria ng nabanggit na lungsod.

Samantala, kasalukuyan namang ginagamot ang sugatang si Vicente Gerardo, 36, stay-in worker sa CPI motors na nagtamo ng 2nd degree burn sa kaliwang hita matapos mabagsakan ng ilang kagamitang nasusunog.

Base sa ulat, pasado alas-9:55 ng umaga ng maganap ang sunog sa isang bahagi ng kinukumpuning bodega sa Comlife furnitures.

Nabatid na kasalukuyang nagwe-welding ang ilang trabahador nang bigla na lamang sumiklab ang apoy sa isang sofa na umano’y natalsikan ng welding rod na kung saan ay mabilis na kumalat ang apoy sa mga katabing muwebles.

Mabilis na kumalat ang apoy at nadamay ang CPI motors.

Tumagal ng mahigit sa dalawang oras ang sunog na tumupok sa tinatayang P10 milyong halaga ng mga ari-arian. (Ulat ni Rose Tamayo)

BUKOD

BUREAU OF FIRE PROTECTION

CALOOCAN CITY

COMLIFE

COMLIFE FURNITURES

GRACE SEE

MABILIS

ROSE TAMAYO

TULLAHAN ROAD

VICENTE GERARDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with