'Killer' ng estudyante nasakote
June 10, 2002 | 12:00am
Naaresto kahapon ng mga tauhan ng Central Police District Office (CPDO) ang suspect na nakapatay sa isang engineering student na tinarget na parang ibon kamakailan ng dumayo ito sa lugar ng kanyang kaibigan sa Cuatro de Julio st. sa Brgy. Sto Niño, Galas sa Quezon City kamakailan.
Itinanggi ng suspect na si Felix Mullet, 38, isang tricycle driver ng ROGATODA na binalak nitong barilin at patayin si John Elmer Nimer, 21, estudyante ng East Asia College, gayunman, inamin nito na siya ang bumaril at nakapatay sa nasabing biktima.
Si Mullet ay nasakote ng mga tauhan ng pulisya bungsod na rin ng pagsasagawa ng follow-up operation sa kanyang pinagtataguan sa Building 19 Unit 28 Temporarily Housing, Magsaysay st. Villas Tondo, Manila dakong ala-6:15 ng umaga kahapon.
Ayon sa imbestigasyon ni SPO1 Rodrigo Barrameda, ang pakay na targetin ni Mullet ay ang driver ng sinasakyang tricycle ni Nimer na minalas lamang dahil ang nasabing biktima ang natamaan ng bala.
Matatandaan na nabaril at napatay si Nimer ng nasabing suspect habang ang una ay papauwi na sa kanilang bahay mula sa bahay ng kanyang kaklase makaraang dumayo ito ng paunlakan ang imbitasyon ng kamag-aral na makipag-inuman.
Agad na namatay si Nimer dahil sa tinamong tama ng bala sa kanyang ulo. (Ulat ni Jhay Mejias)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended