^

Metro

161 pulis-Maynila sibak sa puwesto dahil bobo?

-
Mariing kinontra ni Western Police District (WPD) Director C/Supt. Nicolas Pasinos Jr. ang kagustuhan ni Manila Mayor Lito Atienza na tanggalin ang may 161 kagawad ng Manila’s Finest na bumagsak sa re-orientation at neurological test.

Bagama’t sang-ayon si Pasinos sa hangarin ng alkalde ng Maynila na maayos ang kapakanan ng mga pulis-Maynila kaya’t isinailalim ang mga ito sa neurological test ay kailangan pa rin umanong malaman ang tunay na dahilan kung bakit bumagsak ang mga ito sa nasabing pagsusulit.

Matatandaan na 213 pulis-Maynila ang sumabak sa pagsusulit sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) mula noong Enero hanggang Mayo ng taong kasalukuyan subalit 42 lamang sa mga ito ang pumasa.

Nabatid na kabilang sa mga bumagsak ay mismong tatlong mataas na opisyal ng WPD subalit hindi na binanggit ang mga pangalan upang hindi malagay sa kahihiyan.

Aminado si Pasinos na isang malaking sampal sa hanay ng kapulisan ang pagbagsak ng mga pulis sa nasabing eksaminasyon subalit iginiit nito na dapat ay mga lisensiyadong psychologists ang sumuri sa mga pulis.

Idinagdag pa ni Pasinos na dapat lamang na bigyan ng ikalawang pagkakataon ang mga pulis upang sumailalim sa neuro test na isasagawa ng mga lisensiyadong psychologists upang malaman ang pagkakaiba.

Posible rin umanong iilan na lamang ang matitira sakaling sibakin ang mga bumagsak sa neuro at sa huli ay lalong madagdagan ang bilang ng mga kriminal.

Samantala, muling sasailalim sa re-orientation ang mga pulis na hindi nakapasa partikular na sa pag-aaral ng mga city ordinances, laws and landmarks dahil karamihan umano sa mga ito ay mga bagong salta lamang sa Maynila at hindi pa masyadong pamilyar sa mga lugar sa lungsod.

Gayunpaman, hinamon naman ng ilang pulis-Maynila si Atienza na libutin ang mga bawat sulok ng Maynila upang malaman kung kabisado ng alkalde ang mga lugar sa lungsod. (Ulat ni Ellen Fernando)

vuukle comment

AMINADO

DIRECTOR C

ELLEN FERNANDO

MANILA MAYOR LITO ATIENZA

MAYNILA

NICOLAS PASINOS JR.

PASINOS

PULIS

WESTERN POLICE DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with