Community service, ipapalit sa parusang pagkabilanggo
June 9, 2002 | 12:00am
Dahil na rin sa sobrang sikip ng mga piitan sa bansa, makakatulong umano ang parusang community service sa mga nagkasala ng mababang opensa.
Maging ang mga opisyal ng Parole and Probation Administration (PPA) ng Department of Justice at Bureau of Corrections ay sumusuporta sa inihaing panukalang batas bilang 997 at 1692 nina Reps. Narciso Monfort (Iloilo) at Eladio Jala (Bohol).
Sa isinagawang hearing ng House Committe on Justice na pinamumunuan ni Eastern Samar Rep. Marcelino Libanan, inihayag ni Atty. Joselito Fajardo, assistant director ng Bureau of Corrections na magandang alternatibo ang naturang dalawang panukalang batas para mabago naman ang parusang kadalasang ibinibigay sa isang opensa.
Niliwanag ni Fajardo na maiiwasan din na maisama sa mga kriminal ang mga minor o first time offenders.
Mabibigyan din ng pagkakataon ang mga nagkasala na hindi kayang magpiyansa na makalaya sa pamamagitan ng paggawa o pagbibigay serbisyo sa community training camps.
Ayon kay Fajardo, malaki ang maitutulong nito sa pinansiyal ng gobyerno dahil sa halip na gagastos ng P30 araw-araw para sa pagkain at allowances ng mga nakakulong ay mailalaan ito sa iba.
Sa ilalim ng panukala, niliwanag ng dalawang mambabatas na ang sinumang mapaparusahan na makulong ng anim na buwan pababa ay maaaring magsilbi ng kanilang hatol sa community work camps sa halip na sa kulungan. (Ulat ni Malou Rongalerios-Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended