Sinabi ni Sen. Blas Ople, ang isang Filipino na hindi kayang kantahin ang Lupang Hinirang at hindi mabigkas ang Panatang Makabayan ay maituturing na hindi Filipino.
"Maging ang mga Fil-Am players sa PBA ay hindi exempted dito kaya dapat ay kabisado nila ang Lupang Hinirang at Panatang Makabayan kundi ay dapat silang pauwiin sa kani-kanilang mga bansa," wika pa ni Sen. Ople.
Ayon pa kay Ople, lubhang nakakalungkot ang naging resulta ng Ateneo survey kung saan ay lumitaw na 37 porsiyento lamang ng mga estudyante ang kabisado ang national anthem at 28 percent lamang ang kayang bigkasin ang Panatang Makabayan o 83 percent ng estudyante ang hindi kayang awitin ang national anthem at 72 percent naman ang hindi kayang bigkasin ang Panatang Makabayan.
Dahil dito, wika pa ni Ople, dapat ay bigyan ng importansiya ng Dept. of Education ang level appreciation sa ating pambansang awit at Panatang Makabayan para sa mga mag-aaral. (Ulat ni Rudy Andal)