^

Metro

Fil-Am players na hindi kabisado at makanta ang Lupang Hinirang palalayasin sa bansa

-
Nanganganib na mapauwi sa kani-kanilang bansa ang mga Fil-Am players sa sandaling mabigo silang makabisado at makanta ang pambansang awit ng Pilipinas na "Lupang Hinirang".

Sinabi ni Sen. Blas Ople, ang isang Filipino na hindi kayang kantahin ang Lupang Hinirang at hindi mabigkas ang Panatang Makabayan ay maituturing na hindi Filipino.

"Maging ang mga Fil-Am players sa PBA ay hindi exempted dito kaya dapat ay kabisado nila ang Lupang Hinirang at Panatang Makabayan kundi ay dapat silang pauwiin sa kani-kanilang mga bansa," wika pa ni Sen. Ople.

Ayon pa kay Ople, lubhang nakakalungkot ang naging resulta ng Ateneo survey kung saan ay lumitaw na 37 porsiyento lamang ng mga estudyante ang kabisado ang national anthem at 28 percent lamang ang kayang bigkasin ang Panatang Makabayan o 83 percent ng estudyante ang hindi kayang awitin ang national anthem at 72 percent naman ang hindi kayang bigkasin ang Panatang Makabayan.

Dahil dito, wika pa ni Ople, dapat ay bigyan ng importansiya ng Dept. of Education ang level appreciation sa ating pambansang awit at Panatang Makabayan para sa mga mag-aaral. (Ulat ni Rudy Andal)

vuukle comment

ATENEO

AYON

BLAS OPLE

DAHIL

FIL-AM

LUPANG HINIRANG

OPLE

PANATANG MAKABAYAN

RUDY ANDAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with