1 hinatulan ng bitay sa Polandey masaker
June 7, 2002 | 12:00am
Hinatulan na kahapon ng Marikina Regional Trial Court (RTC) ng parusang kamatayan ang isang lalaki kaugnay sa pagmasaker sa mag-ina na kanilang nilooban, apat na taon na ang nakakaraan.
Ang hatol ay ibinaba ni Judge Reuben dela Cruz, ng branch 272 sa akusadong si Renato Punzalan, isa sa dalawang akusado sa krimen. Habang pinawalang-sala naman ang isa pa na si Alejandro Balba dahil sa kawalan ng ebidensiya laban dito.
Sa rekord ng korte, naganap ang krimen noong madaling araw ng Marso 13, 1998 nang pasukin ng grupo ng mga suspect ang bahay ng mag-iinang sina Celedonia Polandey, mga anak na sina Theodore Lyndon at Alfred Jake.
Matapos limasin ang mga salapi at alahas, pinagsasaksak pa ng mga suspect ang mag-iina bago tuluyang tumakas. Nasawi sa insidente ang mag-inang Celedonia at Theodore Lyndon, habang naisalba naman ng mga manggagamot ang buhay ni Alfred Jake.
Positibong kinilala ng survivor na si Alfred Jake si Punzalan na isa sa nanloob sa kanila. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended