1 pang suspek na pumaslang sa doktor, sumuko sa NBI

Sumuko na kahapon sa National Bureau of Investigation (NBI) ang isang estudyante na sangkot sa brutal na pagpaslang sa isang doktor, kamakailan.

Ayon kay NBI director Reynaldo Wycoco, bandang alas-12 ng tanghali kahapon nang sumuko sa NBI-NCR kasama ang kanyang abogado ang suspect na si Mark Alba, estudyante ng UP Los Baños.

Magugunitang nauna nang sumuko sa Los Baños police ang sinasabing kasamahan nito na si Conrado Rivera.

Ayon kay Wycoco, tanging si Kissenger Kraft na may warrant of arrest na lamang ang siyang target ngayon nang pagtugis ng NBI.

Ang tatlo ay sinasabing sangkot sa pagpaslang kay Dr. Avellaneda kamakailan sa Laguna. (Ulat ni Ellen Fernando)

Show comments