^

Metro

10 Pasay cops sibak na kakasuhan pa ng murder

-
Hiniling kahapon ni Senator Francis Pangilinan na sibakin at sampahan ng kasong murder ang 10 pulis na nagpaputok ng baril sa nangyaring hostage drama kamakailan sa Philtranco terminal Pasay City sa sandaling mapatunayan na lasing ang mga ito ng magresponde sa pangyayari kung saan ay iniulat na nasawi ang biktima dahil sa tama ng bala at hindi sanhi ng saksak na tinamo mula sa hostage-taker.

Binigyang-diin ni Sen. Pangilinan, chairman ng senate committee on justice and human rights, dapat ay simpleng homicide o simpleng murder at hindi reckless imprudence resulting to homicide ang isampa sa mga pulis na sina PO3 Jonald Castro at PO2 Renato Leano ng SWAT; PO2 Ashley Gamulo, PO2 Raymond Sabino, PO1 Jayjay Martinez at PO1 Roland Garcia na pawang miyembro ng Motorcycle Unit; PO1 Lemuel Galang at PO1 Christopher Torres ng Pasay Police station 7; at PO3 Rodolfo Saquina ng Investigation Section, kapag napatunayan na lasing ang mga ito ng magresponde sa krimen.

Ayon pa kay Sen. Pangilinan, dapat ay sumailalim sa urine test ang 10 mga pulis ng boluntaryo upang mabatid kung ang mga ito ay positive sa alcoholic bread ng magresponde sa pangyayari noong Biyernes ng madaling araw sa naganap na hostage taking sa loob ng Philtranco bus terminal sa EDSA, Pasay City.

Labintatlong beses sinaksak ng hostage-taker na si Diomedes Talbo ang hinostage nitong si Dexter Balala, 4 anyos, bago tuluyang kumilos ang mga pulis hanggang sa kapwa bumulagta ang biktima at suspect sanhi ng mga tama ng bala. (Ulat ni Rudy Andal)

ASHLEY GAMULO

CHRISTOPHER TORRES

DEXTER BALALA

DIOMEDES TALBO

INVESTIGATION SECTION

JAYJAY MARTINEZ

JONALD CASTRO

LEMUEL GALANG

PASAY CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with