^

Metro

Nalabag nga ba ang rules of engagement?

-
Tumanggap ng maraming pagbatikos ang buong kapulisan sa Pasay City buhat sa publiko matapos masaksihan ang insidente ng hostage drama na nauwi sa trahedya kamakalawa ng madaling araw sa isang bus terminal sa nabanggit na lungsod.

Ito ay makaraang mapatay ang 4-anyos na batang lalaki na binihag ng isang sinasabing lalaking bangag sa ipinagbabawal na gamot.

Nag-umapaw ang galit ng publiko nang masaksihan ang paghihirap na dinanas ni Dexter Balala, 4 sa malupit na kamay ng hostage taker na nakilalang si Diomides Talbo, tubong San Mateo, Isabela.

Sinisi ang kapulisan sa umano’y hayagang kapabayaan ng mga ito kaya nagbuwis ng buhay ang batang bihag.

Sa maraming mga pagkakataon sa tuwing magkakaroon ng hostage incident, hindi maiiwasang talakayin ang sinusunod na rules of engagement ng mga awtoridad. Ang mga tuntuning ito ang dapat sundin sa tuwing magkakaroon ng insidente ng hostage.

Kabilang sa mga ito ay ang mga sumusunod na sinasabing karamihan ay hindi natugunan ng Pasay Police sa palpak na operasyon.

Nangunguna sa tuntunin sa hostage situation, nakasaad dito na ang kaligtasan ng hostage ang siyang higit sa lahat ay mahalaga; pangalawa kailangang magtatag ng Crisis Management Task Force na may kasanayan at bihasa sa paghawak sa situwasyon; pangatlo kailangang magkaroon lamang ng isang ground commander sa area; pang-apat kailangang i-cordoned ang naturang lugar; panglima, kailangang planado ang pag-assault sakaling mabigo ang isinagawang negosasyon; pang-anim, kailangan magkaroon ng naka-standby na ambulansya at panghuli, kailangang magkaroon ng proper coordination sa lahat ng participating elements para makabuo ng isang desisyon sa paglutas sa krisis.

Ang publiko na rin ang nakasaksi na halos lahat ng ito ay hindi natupad ng Pasay Police. (Ulat ni Jo Lising-Abelgas)

CRISIS MANAGEMENT TASK FORCE

DEXTER BALALA

DIOMIDES TALBO

HOSTAGE

ISABELA

JO LISING-ABELGAS

PASAY CITY

PASAY POLICE

SAN MATEO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with