Sinabi ni Sen. Legarda, hindi na dapat hintayin na may magbuwis pa nang buhay tulad ng pangyayari sa Ozone Disco at Manor Hotel sa Quezon City upang mahigpit na ipatupad ng BFP ang building at fire code sa mga establisimento.
Ayon sa ulat ni Supt. Pablito Cordeta, Manila fire marshall, mula sa 226 na dormitoryong kanilang ininspeksyon ay 34 dito ang natuklasan nilang lumabag sa building at fire code.
Binigyan ni Cordeta ang mga may-ari ng naturang dormitoryo ng taning hanggang bago magbukas ang klase sa darating na Hunyo 17 para maka-comply ang mga ito sa building at fire code kundi ay tuluyan silang ipapasara. (Ulat ni Rudy Andal)