^

Metro

Fire trap na dorm, isara - Legarda

-
Inatasan kahapon ni Senate Majority Leader Loren Legarda Leviste ang pamunuan ng Bureau of Fire Protection (BFP) na ipasara ang mga dormitoryo na natuklasang mga fire traps sa university belt sa Maynila.

Sinabi ni Sen. Legarda, hindi na dapat hintayin na may magbuwis pa nang buhay tulad ng pangyayari sa Ozone Disco at Manor Hotel sa Quezon City upang mahigpit na ipatupad ng BFP ang building at fire code sa mga establisimento.

Ayon sa ulat ni Supt. Pablito Cordeta, Manila fire marshall, mula sa 226 na dormitoryong kanilang ininspeksyon ay 34 dito ang natuklasan nilang lumabag sa building at fire code.

Binigyan ni Cordeta ang mga may-ari ng naturang dormitoryo ng taning hanggang bago magbukas ang klase sa darating na Hunyo 17 para maka-comply ang mga ito sa building at fire code kundi ay tuluyan silang ipapasara. (Ulat ni Rudy Andal)

AYON

BINIGYAN

BUREAU OF FIRE PROTECTION

CORDETA

MANOR HOTEL

OZONE DISCO

PABLITO CORDETA

QUEZON CITY

RUDY ANDAL

SENATE MAJORITY LEADER LOREN LEGARDA LEVISTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with