Manhunt vs 3 killer ng doktor
May 30, 2002 | 12:00am
Isang manhunt operation ang inilunsad ng mga ahente ng NBI laban sa sinasabing tatlong estudyante ng UP Los Baños na responsable sa brutal na pagpaslang sa isang doktor sa isang kilalang pagamutan sa Metro Manila.
Kinilala ni NBI Director Reynaldo Wycoco, ang mga suspect na sina Kissinger Kraft, 20, na-dismis na Sociology student ng UPLB; Mark Alba, 20 at Antonio Rivera Jr., 20, ng nabanggit ding unibersidad.
Ayon pa sa ulat, isa sa mga ito ay malapit na kaanak ni dating Calauan Mayor Antonio Sanchez na kasalukuyang nakapiit sa National Bilibid Prison.
Sinasabing ang tatlo ay sangkot sa pagpaslang kay Dr. Franklin Avellaneda , doktor sa isang kilalang pagamutan sa Metro Manila.
Ayon sa source, na nakipagkita umano ang biktima sa tatlong suspect sa Laguna na sinasabing pawang ka-textmate nito. Sa hindi malamang kadahilanan ay dinala ang biktima at kasamang testigo sa isang lugar sa UPLB at doon pinatay ang una sa hindi malamang kadahilanan. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended