Nasalisihan ang NBI - Wycoco
May 29, 2002 | 12:00am
NBI nasalisihan.
Ito ang lumalabas sa isinasagawang imbestigasyon sa kontrobersiyal na pagkawala ng may 7.38 kilo ng shabu na nasa kostudya ng nabanggit na ahensiya.
Sa isang panayam, sinabi ni NBI director na hindi mga opisyal at tauhan ng custodian evidence division ang may pakana ng pagkawala ng kilo-kilong shabu na bahagi sa nakumpiskang droga sa drug queen na si Sandra Lim noong Disyembre 26, 2000 sa Pasay City.
Ito ay base sa lumalabas na resulta ng isinagawang polygraph test sa anim na ahente ng NBI na nakatalaga sa nasabing dibisyon na ang resulta ay negatibo ang mga ito.
Ayon kay Wycoco, may suspect na sila at hindi umano mula sa naturang unit kundi taga-labas kaya lumalabas na nasalisihan sila.
Kaugnay nito, niliwanag ni Wycoco na hindi sacrificial lamb ang tatlong opisyal na sinibak sa puwesto na sinasabing may pananagutan sa naturang insidente dahil sa kanilang kapabayaan. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 2, 2024 - 12:00am