15-anyos todas sa gang war
May 27, 2002 | 12:00am
Nasawi ang isang 15-anyos na binatilyo makaraang "sumpakin" ng mga miyembrong kasapi sa isang "street gang" na tinanggihang bigyan ng "lagay" ng una para sa kanyang proteksyon sa karahasan sa Quezon City kahapon ng madaling-araw.
Agarang namatay ang biktimang si Jeffrey Paguig, ng #82 Kasunduan St., Kalayaan B, Brgy. Commonwealth ng nasabing lungsod, dahil sa tinamong tama ng sumpak sa ulo.
Sa report, naganap ang insidente dakong alas-12:10 ng madaling-araw habang naglalakad ang biktima kasama ang kanyang kapatid na nakatatanda sa kahabaan ng Kasunduan Ext.
Hinarang ang magkapatid ng dalawang kalalakihan na miyembrong "Magic 5" na pawang armado ng sumpak at pilit na kinikikilan ang dalawang magkapatid para sa kanilang proteksyon.
Ayon sa dalawang suspek, kakailanganin ng magkapatid ang kanilang proteksyon para walang makakanti sa kanila.
Ngunit hindi napilit ang magkapatid na magbigay ng pera sa dalawang suspek na naging dahilan upang paputukan ng magkapatid ng sumpak.
Nakaiwas ang nakatatandang Paguig ngunit minalas naman ang nakababatang kapatid nito kung saan napuruhan ito ng mga pellets sa ulo na siyang naging dahilan ng agarang pagkamatay nito. (Jhay Mejias)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended