24-anyos napagtripan ng 2 senglot, pinatay

Isang 24-anyos na lalaki ang iniulat na napag-tripan at napatay ng dalawang lasing habang ito ay papauwi sa kanilang bahay, kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang nasawi na si Manolito Ilagan, ng Dayao St., Balut, Ilagan na nauna nang hinataw sa ulo ng isang matigas na bagay at saka binaril ng mga suspect na nakilalang sina Wilfredo Castro at Eduardo Ilustre.

Base sa inisyal na imbestigasyon, naglalakad ang biktima pauwi sa kanilang bahay nang madaanan ang dalawang nag-iinumang suspect.

Tinawag ng mga salarin ang biktima at nang lumapit sa kanila ay walang sabi-sabing pinalo sa ulo at saka binaril nang malapitan sa walang kadahi-dahilan.

Matapos ang isinagawang krimen mabilis na nagsitakas ang mga suspect. Inaalam pa ng pulisya kung posibleng matagal nang alitan ang motibo sa isinagawang krimen o nagpagtripan lamang ang biktima. (Mike Frialde)

Show comments