^

Metro

2 bagitong pulis, hindi nagbayad sa nightclub inaresto

-
Dalawang bagitong pulis ang dinakip ng kapwa nila pulis makaraang ireklamo nang panggugulo at hindi pagbabayad sa kanilang ininom sa isang nightclub sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni NPDO chief Gen. Vidal Querol ang dalawang dinakip na sina PO1 Erwin Bagsac at Proceso Baguial, kapwa nakadestino sa NPD Mobile Force.

Base sa ulat, dakong alas-11 ng gabi nang pumasok ang mga pulis sa Simple Pleasure Nightclub at umorder ng beer, pulutan at nag-table pa ng dalawang babae.

Dakong alas- 3 ng madaling araw nang malasing na ang mga ito ay nagsimula nang magwala. Unang nagbunot ng kanyang service firearm si Bagsac at itinutok sa mga kustomer. Sinita rin ng mga ito ang manager ng club sa umano’y hindi magandang serbisyo.

Dahil naman sa takot ng mga kostumer ay mabilis nang nagpulasan ang mga ito at karamihan ay hindi na nagbayad.

Nabatid na drama lamang pala ng dalawang pulis ang panggugulo para makaiwas sila sa pagbabayad ng kanilang bill na umabot sa P1,470 bukod pa ang bayad sa itinable na dalawang babae.

Ang dalawa ay dinakip ng kapwa nila pulis na nagresponde sa naturang kaguluhan. (Rose Tamayo)

BAGSAC

CALOOCAN CITY

DAHIL

DAKONG

ERWIN BAGSAC

MOBILE FORCE

PROCESO BAGUIAL

ROSE TAMAYO

SIMPLE PLEASURE NIGHTCLUB

VIDAL QUEROL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with