^

Metro

3 NBI officials sinibak sa nawawalang 7k shabu

-
Tatlong matataas na opisyal ng National Bureau of Investigation (NBI) ang sinibak sa puwesto kaugnay sa misteryosong pagkawala ng may 7.38 kilo ng shabu sa loob ng stockroom ng naturang ahensiya.

Ayon kay NBI director Reynaldo Wycoco, ang mga sinibak sa puwesto ay kinilalang sina NBI Forensic Acting Chief Dr. Idabel Pagulayan; Dr. Constancia Salonga, hepe ng Dangerous Drugs Section at si Dr. Lucia Gonzales, Assistant Custodian chief.

Ayon kay Wycoco, ang pagkakasibak sa tatlo ay matapos na mapatunayan sa imbestigasyon na may pananagutan ang mga ito sa pagkawala ng mga shabu sa kustodya ng nasabing ahensiya, dahil sa silang tatlo lamang ang may karapatan na humawak sa susi ng evidence custodian.

Binanggit pa nito na kasalukuyang nasa floating status ang mga nabanggit na opisyal bagaman wala pang inaanunsiyo kung sino ang hahalili sa kanila sa mga nabanggit na posisyon.

Nakatakda ring sampahan ang tatlo ng kasong administratibo sa Office of the Ombudsman.

Kasabay nito, sinabi ni Wycoco na patuloy pa rin ang kanilang isinasagawang imbestigasyon upang matukoy kung sinong mga personalidad ang responsable sa pagkawala ng nasabing droga.

Ang nasabing nawawalang shabu ay bahagi ng may 247 kilo ng droga na nasamsam sa drug queen na si Sandra Lim noong nakalipas na Disyembre 26, 2000 sa Pasay City. (Ellen Fernando)

vuukle comment

ASSISTANT CUSTODIAN

AYON

DR. CONSTANCIA SALONGA

DR. IDABEL PAGULAYAN

DR. LUCIA GONZALES

DRUGS SECTION

ELLEN FERNANDO

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

PASAY CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with