Mister na magpapatiwakal, kalaboso ang hinantungan
May 24, 2002 | 12:00am
Isang desperadong mister ang nagtangkang magpasagasa matapos na iwan ng kanyang misis ang humantong sa kalaboso nang arestuhin ng mga pulis makaraang pagbabatuhin ang mga sasakyang umiiwas upang siya ay sagasaan, kahapon ng madaling araw sa Quezon City.
Lalong kapighatian ang inabot ng dinakip na mister na nakilalang si Alberto Ferrer, 25, walang trabaho ng Liwanag St., Diliman, Quezon City nang humantong siya sa kulungan.
Batay sa ulat, si Ferrer na pinaniniwalaang nasa impluwensiya ng ipinagbabawal na gamot ay dinakip ng mga awtoridad matapos na ireklamo ng mga motoristang dumaraan sa may Commonwealth Avenue na binabato umano nito ang kanilang mga sasakyan.
Sa loob ng presinto sinabi ni Ferrer na kaya niya binabato ang mga sasakyan ay sa dahilang ayaw siyang sagasaan.
Sinabi niya na nais niyang magpasagasa at mamatay dahil sa iniwan na siya ng kanyang misis.
Nabatid na hindi na nakatiis pa ang misis sa paggamit ng droga ng kanyang mister kaya niya ito iniwan.
Dakong alas- 3 ng madaling araw ay humiga si Ferrer sa kalsada para magpasagasa, subalit iniiwasan siya ng mga sasakyan dahilan naman upang magalit ito at magwala. (Jhay Mejias)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended