^

Metro

4 na miyembro ng 'Budol-budol gang' arestado

-
Apat katao kabilang ang dalawang kababaihan na pinaniniwalaang kasapi sa "Budol-budol" ang nasakote ng mga tauhan ng Central Police District Station 1 matapos na matauhan ang bibiktimahin nito na isinailalim ng grupo sa hipnotismo, kahapon ng umaga sa Quezon City.

Kinilala ni Supt. Freddie Panen, hepe ng CPD-Station 1 ang mga nadakip na suspect na sina Manuel Bacunawa, 31; Eric Done, 35; Ana Mendoza, 28 at Ella Cinco, 25.

Ayon kay Panen, naganap ang insidente dakong alas-11 ng umaga sa may Araneta Avenue sa Barangay Tatalon, Quezon City.

Base sa imbestigasyon, nilapitan umano ng dalawang babaeng suspect ang biktimang si Engracia Salazar, 48, habang ito ay nag-aabang ng sasakyan sa nasabing lugar.

Kinausap ng mga suspect ang biktima at nang malamang isa itong mananahi ay inalok nila ang biktima na magpapatahi sila ng maraming damit sa dahilang mayroon umano silang RTWs store. Ipinakita pa ng mga suspect ang dala nilang budol money.

Ilang minuto pang usapan ay nakumbinsi ng mga suspect ang biktima na magdala ng P37, 500 para sa kanilang napagkasunduang negosyo at sinabihan na makipagkita muli sa kanila sa pinagkasunduang lugar.

Hindi maipaliwanag ng biktima kung bakit para siyang nahipnotismo ng mga suspect at pumayag na magdala ng pera at muling makipagkita, subalit bago pa man maiabot nito ang pera sa grupo ng mga suspect ay parang natauhan ito at hindi inabot ang pera.

Ito naman ang dahilan upang magalit ang mga suspect at makipaghilahan sa perang dala ng biktima.

Nagawa namang makatakbo ng biktima at humingi ng tulong sa pulisya na siya namang humabol sa mga tumatakas na suspects.(Jhay Mejias)

ANA MENDOZA

ARANETA AVENUE

BARANGAY TATALON

CENTRAL POLICE DISTRICT STATION

ELLA CINCO

ENGRACIA SALAZAR

ERIC DONE

QUEZON CITY

SUSPECT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with