Sinabi ni Dra. Thelma Santos, director ng school health and nutrition center na papatawan ng kaukulang parusa ang mga administrador kapag patuloy na nilabag ang DepEd memo 267 series of 1994 na nagbabawal sa pag-iskedyul ng PE at CAT sa pagitan ng alas- 10 ng umaga hanggang alas- 3 ng hapon.
Ipinaliwanag nito sa isang pag-aaral na malaki ang posibilidad na pagmulan ng skin cancer ang sobrang pagbibilad sa init ng araw lalo na sa mga mag-aaral na mahina ang resistensiya.
Dagdag pa dito ang biglaang pagkahimatay ng ibang mahihina ang katawan, balinguyngoy o biglang pagdurugo ng ilong at pagkamatay dulot ng heat stroke.
Partikular na tinukoy nito ang mapaminsalang ultraviolet rays ng araw na mas lalong patitindihin sa pagdating ng El Niño sa pasukan. (Danilo Garcia)