Pagkamatay ng 6 na preso sa MCJ, pinabubusisi
May 22, 2002 | 12:00am
Hiniling kahapon ni Senate Majority Leader Loren Legarda-Leviste na imbestigahan ang nangyaring sunud-sunod na pagkamatay ng anim na preso sa loob ng Manila City Jail (MCJ) sa loob ng dalawang linggo.
Sinabi ni Sen. Legarda na dapat lamang magsagawa ng imbestigasyon ang DILG, Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), DOJ at DOH hinggil sa misteryosong pagkamatay ng mga preso dito.
Ayon kay Legarda, kung mayroon mang outbreak ng sakit sa loob ng piitan ay dapat ihiwalay ang mga inmates sa mga preso na matutukoy na may nakakahawang sakit at regular na magsagawa ng paglilinis sa mga selda upang maiwasan ang pagkalat ng sakit.
Karamihan sa mga nasawing preso sa MCJ ay inireklamo ang kahirapan sa paghinga kaya ipinanukala ni Legarda na panahon na upang magtayo ng malalaking piitan para sa sapat na bentilasyon ng mga inmates dito.
Ang mga preso na nasawi matapos mahirapan sa kanilang paghinga dahil sa siksikan sa loob ng selda ay sina Noel Estrella, Jessie Espendido, Jerry Ambrosio at 3 pang inmates ng MCJ. (Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended