Lalaki natigok sa sinehan dahil sa sex film

Hinihinalang nadala sa eksenang "makalaman" ang lalaking natagpuang patay sa loob ng Robinson Cinema sa Ermita, Manila kahapon ng madaling araw.

Matigas na ang katawan nang matagpuan ng mga staff ng nasabing sinehan ang bangkay ni Alvin Pascual, 30, ng Gen. Luna st., Laoag City.

Sa imbestigasyon, dakong alas-12:30 ng madaling araw nang makita ang biktima na nakaupo sa silya.

Ayon sa pulisya posibleng umanong inatake sa puso ang biktima habang ito ay nasa kasarapan ng panonood ng love scene umano nina Tonton Gutierrez at Glydel Mercado sa pelikulang "Sana Totoo Na". (Ellen Fernando)

Show comments