Sarhento, 2 pa tiklo sa ecstasy
May 20, 2002 | 12:00am
Tatlong katao kabilang ang isang reserve Philippine Army sargeant ang nahulihan ng ecstasy matapos ang isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa ng gabi sa Makati City.
Ang mga naaresto ay nakilalang sina Moe Semillano, 36, reserve Army sargeant ng Kahilum I, Pandacan, Manila; Violeta Tan, 49, negosyante ng Gabaldon st., Brgy. Poblacion, Makati City at Balbino Jumao, 42, ng Montalban Heights, Rizal.
Nakumpiska sa mga suspek ang dalawang pirasong umanoy Canadian green ectstasy tablets na ang isa ay nagkakahalaga ng P1,200.
Batay sa ulat, dakong alas-10 ng gabi nang maaresto ang mga suspek sa harap ng GoGo Bananas Club sa Kalayaan Avenue kanto ng P. Burgos st., Brgy. Poblacion ng nasabing lungsod.
Tinungo ng mga awtoridad ang nasabing club at nagpanggap na poseur- buyer si PO2 Virginio Costa at kinausap nito si Jumao na doorman sa nasabing club kung saan puwedeng makabili ng ecstacy.
Pagkatanggap ni Jumao ng marked money na P2,500 ay agad na tinawagan nito sa cellphone sina Tan at Semillano.
Ilang minuto ay dumating sina Tan at Semillano at nang maiabot kay PO2 Costa ang nasabing droga ay humudyat na ito para sa paghuli sa mga suspek.
Ang pagkaaresto sa mga suspek ay batay sa dalawang linggong surveillance na isinagawa ng mga awtoridad.
Ang mga suspek ay nakakulong sa kasalukuyan at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 6425 o Dangerous Drug Act.(Nikko Dizon)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended